Habambuhay sa humoldap at pumatay ng estudyante
January 22, 2003 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court sa 24-anyos na lalaki na pumaslang sa isang 18-anyos na college student dalawang taon na ang nakakaraan.
Kaugnay nito, iniutos din ni QCRTC Judge Jose Catral Mendoza ng Branch 219 sa akusadong si Armando Polillo may asawa ng Culiat, Quezon City na magbayad ng halagang P179,272 bilang danyos sa mga naulila ng biktimang si Joanisa Pudadera.
Sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Hulyo 2, 2001 habang ang biktima kasama ang kaibigang si Riza Rivera ay sakay ng isang pampasaherong jeep nang agawin ng grupo ng akusado ang bag ng biktima.
Nagawa umanong saksakin ng apat na beses ng suspect ang biktima nang magtangka ang huli na huwag ibigay ang kanyang bag.
Matapos ang insidente, tanging si Mendoza ang nadakip ng mga awtoridad at ang mga kasama nito ay patuloy na nakakalaya. Nasamsam ng mga kasama ng suspect sa biktima ang isang 3210 na cellphone, P2,000 cash at silver bracelet na nagkakahalaga ng P700.00.
Bagamat itinanggi ni Mendoza na may kinalaman siya sa kaso hindi ito pinaniwalaan ng korte, bagkus matibay umano ang ginawang pagkilala sa kanya ng kaibigan ng nasawi na isa sa humoldap sa kanila. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended