Suspect sa Llamas slay sumuko
January 22, 2003 | 12:00am
Sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umanoy suspect sa pagpatay kay Ateneo Law graduate Jose Ramon "Jay" Llamas.
Kahapon iprinisinta ni NBI director Reynaldo Wycoco ang sumukong suspect na si Cola Didato, pero nilinaw ng NBI chief na ngayon ay hindi na ito suspect kundi isang testigo.
Nabatid na sumuko si Didato sa tulong ni Dasmariñas Cavite Mayor Elpidio Barzaga, upang umanoy malinis ang kanyang pangalan.
Pinabulaanan din ni Didato ang naunang ulat na siya ay tumakas patungong Marawi City.
Napag-alaman na si Didato ang siyang unang nagmamay-ari ng motorsiklo na ginamit ng suspect na bumaril at nakapatay sa biktima.
Nakailang salin na rin umano ang may-ari nito at ang ika-apat na nagmamay-ari ay nakilalang si Bashir Abdul Rakman, na dito nakasentro ngayon ang imbestigasyon ng NBI.
Ang itsura umano nito ang positibong tumutugma sa mga deskripsiyon na ibinigay ng mga testigo.
Bunga nitoy nanawagan si Wycoco kay Rakman na sumuko na kung siya ang responsable sa krimen o kung di man ay malinis ang kanyang pangalan.
Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na si Rakman ay may nakabimbing kaso ng physical injury sa lalawigan ng Palawan.
Magugunita na si Llamas ay pinagbabaril at napatay makaraang makagitgitan nito ang suspect na lulan sa motorsiklo noong Enero 10 sa kahabaan ng Taft Avenue sa Buendia sa Pasay City.
Samantala, tapos na ang ginawang ballistic report ng pulisya hinggil sa balang pumatay kay Llamas.
Maituturing na ang naturang ballistic report ay isa sa mga susi para sa ikalulutas ng Llamas slay.
Pansamantala munang hindi ibinunyag ng pulisya kung kaninong baril ang ginamit sa pagpatay sa naturang biktima. (Ulat nina Grace dela Cruz at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended