^

Metro

Hukom na nakapatay sa bus driver, pinagpapaliwanag ng SC

-
Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang isang hukom na nakabaril at nakapatay sa isang bus driver na naka-away nito dahil lamang sa trapiko sa Antipolo City.

Base sa isang pahinang resolusyon ng Supreme Court, inatasan nito si Antipolo RTC branch 74 Judge Francisco Querubin na maghain sa loob ng sampung araw ng kanyang ebidensiya kung bakit hindi siya nararapat sibakin sa puwesto.

Samantala, naghain naman ng kanyang report sa SC si Antipolo RTC Executive Judge Mauricio Rivera upang alamin naman ang panig nito matapos ang ginawang pamamaril ni Querubin.

Magugunita na napatay ni Judge Querubin ang Citibus Lines driver na si Gerardo Martinez sa circumferential road noong nakalipas na Nobyembre ng gabi matapos ang isang hidwaan sa trapiko.

Ayon sa ulat nagkaroon ng gitgitan ang sasakyan ng dalawa habang dumadaan sa naturang lugar hanggang sa magkaroon ng mainitang komprontasyon ang mga ito nang akmang papaluin na umano ni Martinez si Judge Querubin ng isang tubo. Ayon sa judge nagwarning shot siya subalit hindi pinakinggan ng driver at tangka pa ring susugurin siya kaya napilitan siyang barilin na ito.

Sinabi ni Querubin na self defense lamang ang kanyang ginawa sa kabila nito ay kinasuhan pa rin siya ng homicide sa piskalya ng Antipolo. Pansamantalang nakalaya ang Huwes matapos maglagak ng piyansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANTIPOLO CITY

AYON

CITIBUS LINES

EXECUTIVE JUDGE MAURICIO RIVERA

GEMMA AMARGO

GERARDO MARTINEZ

JUDGE FRANCISCO QUERUBIN

JUDGE QUERUBIN

KORTE SUPREMA

QUERUBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with