Mag-biyenan kinatay ng adik na kapitbahay
January 19, 2003 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang mag-biyenan ng adik nilang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Tondo Manila.
Nakilala ang nasawing mag-biyenan na sina Alma Grace Castro, 25, at Modesto Ferrer, 48, kapwa residente ng #2224 Rey Varona St., ng nasabing lugar. Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng tig-limang saksak sa kanilang mga dibdib.
Samantala, nakilala naman ang nadakip na suspect na si Joseph Dacillo, 23. Ito ay positibong kinilala ng testigong si Ildefonso Pascual, 42, na umanoy huli niyang nakitang galing sa bahay ng mga biktima.
Ang labi ng dalawang biktima ay natuklasan ng anak ni Ferrer na si Albert dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Bagamat inamin ng suspect na galing siya sa bahay ng mga nasawi, sinabi nito na nagbenta lamang siya ng pajama at walang kinalaman sa naganap na krimen.
Narekober ng pulisya sa loob ng bahay ng mga biktima ang ibat ibang paraphernalia na ginagamit sa pagsinghot ng shabu at sachet na naglalaman pa ng shabu.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng biglaan ang ginawang pagpasok ng suspect sa bahay ng mga biktima habang ito ay nasa impluwensiya ng droga. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 11, 2025 - 12:00am