^

Metro

Utak sa QC massacre, tiklo na rin

-
Bumagsak na rin sa kamay ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang itinuturing na utak sa naganap na pagmasaker sa isang missionary at sa katulong nito sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Inspector Bart Bustamante, hepe ng follow-up division ng QC police ang umano’y utak sa krimen na si Ralph Lester Roxas, 18, ng Rambas Builder na natunton ng pulisya sa Luzon Avenue, Barangay Balara sa nabanggit na lungsod.

Kinasuhan na ng pulisya ang naturang suspect sa Quezon City prosecutors office kasama ang unang nadakip na barkada nito na si Jesus Austero, alyas Niño, 19, tricycle driver.

Ang dalawang nabanggit ay sinasabing sangkot sa pagpaslang sa missionary na si Myrnaloie Beebe, 58, American citizen at sa katulong nito na si Jovielyn Parejo, 21, ng 13 Viola St. Dominic Subdivision, Culiat, Quezon City.

Si Roxas ay pamangkin ni Beebe na sinasabing nagselos dahil inuna pang pag-aralin nito ang katulong na hindi naman nila kamag-anak.

Matapos patayin, ninakawan pa ng mga suspect ang biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BARANGAY BALARA

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INSPECTOR BART BUSTAMANTE

JESUS AUSTERO

JOVIELYN PAREJO

LUZON AVENUE

MYRNALOIE BEEBE

QUEZON CITY

RALPH LESTER ROXAS

RAMBAS BUILDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with