Postmaster III,kinasuhan ng Ombudsman
January 17, 2003 | 12:00am
Sinampahan ng kasong kriminal ng tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City Regional Trial Court ang Postmaster III ng Philippine Postal Corporation sa Quezon City.
Sa apat na pahinang resolusyon, nirekomenda ni Ombudsman Graft Investigation Officer II Melinda Salcedo na sampahan ng kasong malversation of public funds si Postmaster III Janette Jimenez matapos na mapatunayang guilty sa kasong ito ang huli batay sa resulta ng isinagawang preliminary investigation dito.
Ang kaso ay nag-ugat ng magkulang ng P189,510 ang general fund ng Murphy District Post Office noong si Jimenez ang postmaster dito. Bukod dito, lumabis pa ng 200 ang money order fund ang transaksyon at accounts nito mula Hunyo 6, hanggang Setyembre 27, 2000.
Una rito, binigyan ng taning si Jimenez noong Enero 6, 2001 para mabayaran ang accountabilities at ipinaliwanag kung bakit nawawalan ito ng pondo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am