Pintor nagbigti dahil sa hirap ng buhay
January 17, 2003 | 12:00am
Dahilan sa hindi matagalang kahirapan sa buhay, nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang pintor sa Pasig City.
Kinilala ng Pasig City police ang biktimang si Al Diaz, residente ng Lupang Pari St., Brgy. San Miguel, ng lungsod na ito.
Pinaniniwalaang ang biktima ay nag-suicide sa pagitan ng alas-7 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi kamakalawa matapos itong magkulong sa kanyang silid.
"Farewell to my family," anang suicide note ng biktima na natagpuan pagkaraang madiskubre ang bangkay nito ilang oras matapos itong magpakamatay.
Ang biktima ay natagpuang nakatali ng nylon cord sa leeg at nakabitin sa kisame ng kanyang silid.
Kinatok umano ang biktima ng kanyang anak para kumain at nang hindi sumagot ay napilitan itong kunin ang duplicate ng susi sa silid nito.
Nang mabuksan ang pinto ay laking gulat ng anak ng biktima nang tumambad ang nakabiting bangkay ng ama na tinangka pa nilang isugod sa ospital subalit huli na ang lahat.
Base naman sa pahayag ng ilang mga malalapit na kaibigan ng biktima, palagi umano itong dumadaing ng sobrang kahirapan kung saan halos wala nang makain ang kanyang pamilya.
Dinala naman ang bangkay sa PNP crime laboratory para maisailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest