12 taon sa 14-anyos na nakuhanan ng marijuana
January 16, 2003 | 12:00am
Hinatulan ng parusang 12 taong pagkabilanggo ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong pagdadala ng marijuana noong nakaraang taon.
Sa isang-pahinang desisyon, inatasan din ni QCRTC Judge Abednego Adre ng Branch 88 ang akusadong si John na magmulta ng halagang P300,000 dahil sa pagdadala ng may .44 gramo ng marijuana.
Ang batang convict ay taga-Boston St., Cubao, QC ay naaresto noong Oktubre 8, 2002, habang nasa may bahagi ng Aurora Blvd. sa kanto ng N. Domingo, QC.
Sa court record noong panahong iyon, nagsasagawa ng pagpapatrulya sa nasabing lugar ang mga elemento ng QC police Station 7 nang mamataan ang dalawang kabataan, isa rito ay ang akusado.
Nakita umano ng mga pulis na may itinapong papel ang akusado na bumabalot sa marijuana leaves at dito kanilang inaresto ang akusado.
Dahil naman agad na inamin ng akusado na sa kanya ang natagpuang marijuana, ibinaba ng korte na patawan na lamang ito ng parusang 12-taong pagkabilanggo. (Ulat ni Angie Delfino-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest