6 Chinese drug dealer muling inaresto
January 16, 2003 | 12:00am
Anim sa pitong Chinese nationals ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court nang baligtarin nito ang naunang desisyon ng isang huwes na palayain ang mga suspect.
Hawak na ngayon ng PDEA ang mga suspect na sina Sally Ong, Man Chuck Li, Willy Ang, Tom Chua, Lai Nar Li at Sam Li Chua, pawang mga undocumented Chinese nationals.
Hindi naman nakuha ng mga awtoridad si Jimmy Chua alyas Ong Yin Wun, matapos na maipa-deport na ito ng Bureau of Immigration sa Tsina.
Ayon kay PDEA Director, Undersecretary Anselmo Avenido, ibinasura ni Judge Jaime Salazar ng Quezon City RTC Branch 103 ang naunang desisyon ng isa pang mahistrado na si Judge Leachon.
Nabatid na idinismis ni Judge Leachon ang kaso laban sa pitong Tsino dahil sa teknikalidad. Muli namang hinawakan ito ni Judge Salazar na ibinasura ang desisyon ni Leachon at nagpalabas agad ng warrant of arrest laban sa mga suspect.
Agad namang nakipagkoordinasyon ang PDEA sa Bureau of Immigration kung saan nakadetine ang anim sa kanilang detention cell. Inilagay na rin ng BI ang pangalan ng mga suspect sa watchlist upang hindi makalabas ng bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended