^

Metro

Provincial director timbog sa pirated CD factory

-
Sinibak na sa kanyang puwesto ang provincial director ng Lanao del Sur Police Office dahil sa pagbibigay umano ng proteksyon sa isang pabrika ng mga pirated compact discs (CD) nang mahuli itong natutulog sa naturang lugar sa isinagawang raid, kahapon sa Taguig, Metro Manila.

Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina ang "relief order" para kay Sr. Supt. Laud Sali.

Nahuli ni Sali na natutulog sa loob ng sala ng isa sa walong bahay na ni-raid kahapon ng umaga ng mga elemento ng Southern Police District (SPD) at Videogram Regulatory Board (VRB) sa may Mindanao St., Maharlika Village, Taguig.

Agad namang itinanggi ni Sali na alam niya na may operasyon ng paggawa ng mga pirated CD at VCD sa loob ng naturang bahay dahil sa nakitulog lamang umano siya rito kung saan ang may-ari ay kanyang kamag-anak.

Ipinaliwanag nito na dumating siya sa naturang bahay kamakalawa ng gabi at nakatakda sanang umalis ng bansa patungong Saudi Arabia para sa pilgrimage.

Hindi naman kumbinsido dito ang pulisya maging si VRB Chairman Bong Revilla dahil sa imposible umanong hindi mapansin ni Sali ang nakatambak na mga replicating machine sa loob ng naturang bahay at ang pahayag ng ilang saksi na linggu-linggo umano kung dumating ang naturang opisyal sa naturang lugar.

Isang Mitsubishi L-300 van rin ang nadiskubre na ginagamit upang pandeliber ng mga CD kung saan isang malaking identification card ng PNP ang nakalagay sa harapan nito.

Nakatakdang hawakan naman ng National Police Commission (Napolcom) ang naturang kaso upang matiyak na walang whitewash na magaganap.

Inihahanda na ng DILG ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban kay Sali. (Ulat nina Danilo Garcia at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHAIRMAN BONG REVILLA

DANILO GARCIA

ISANG MITSUBISHI L

LAUD SALI

LORDETH BONILLA

MAHARLIKA VILLAGE

METRO MANILA

MINDANAO ST.

SALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with