Salvage victim natagpuan sa loob ng van
January 16, 2003 | 12:00am
Hinihinalang dumanas ng matinding torture ang isang lalaki bago ito pinatay makaraang matagpuan ang bangkay nito na nakatali ang leeg ng lubid at nakalagay sa isang inabandona at nakaparadang van kahapon ng madaling-araw sa Taguig.
Habang sinusulat ang balitang ito, blangko pa ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima, nagtamo ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alain Sigua, ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig Police, nakatanggap ng impormasyon ang nabanggit na himpilan buhat sa ilang residente na mayroong bangkay ng lalaking natagpuan sa loob ng isang inabandonang van sa Mini Park, Fort Bonifacio, Global City ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nakatali ang leeg ng biktima ng abakang lubid at hinihinalang dumanas ng matinding torture bago ito pinagbabaril hanggang sa mapatay.
May hinala pa rin ang pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at iniwan na lamang sa nabanggit na lugar.
Natagpuan sa bangkay ng biktima ang isang gas station receipt mula sa Lipa City. Sa ngayon ay iniimbestigahan ng pulisya kung ang lalaki ay biktima ng kidnapping. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest