^

Metro

Resulta ng preliminary investigation ng Nida Blanca case, ilalabas na

-
Anumang araw mula ngayon ay ipapalabas ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri patungkol sa pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca.

Ito ang tiniyak kahapon sa isang pahinang memorandum na ipinadala ng panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Archimedes Manabat kay DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.

Sinabi ni Zuño na sa kasalukuyan ay kanila nang binubusisi ang nasabing kaso at inaasahang ipapalabas ng DOJ panel ang kanilang hatol ngayong buwan ng Enero sa ilalim ng liderato ni incoming Justice Secretary Simeon Datumanong.

Sinabi naman ni Manabat na natapos na nila ang pag-aaral sa mga dokumentong isinumite sa kanilang tanggapan at ang kanila umanong desisyon ay base lamang sa mga dokumentong kanilang natanggap.

Subalit ang iba pa umanong testimonya at dokumento ay hindi na nila isasama sa kanilang gagawing paghatol.

Nabatid na isinagawa ng DOJ ang preliminary investigation noong Oktubre 21, 2002 at binigyan nila ng pagkakataon ang pangunahing akusado na si Rod Lauren Strunk upang magsumite ng kanyang counter affidavit noong Nobyembre 4, 2002. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANUMANG

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

GEMMA AMARGO

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

NIDA BLANCA

ROD LAUREN STRUNK

SENIOR STATE PROSECUTOR ARCHIMEDES MANABAT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with