Manhunt sa magkakapatid na nangangalakal ng mga paslit
January 14, 2003 | 12:00am
Pinakilos ni Manila Vice-Mayor Danilo Lacuna ang Special Operations Group (SOG) ng Manila City Hall na tugisin ang grupo ng sindikato na dumudukot sa mga kabataan sa Manila at ibinebenta sa ibang grupo ng mga sindikato sa mga lalawigan upang gawing "manglilimos".
Sa impormasyong nakalap ni Lacuna, ang grupo ng "band of brothers" na pinamumunuan ng magkakapatid na Joel, Richard at Raymond Sales ang itinuturong mga "utak" at masterminds sa sindikatong kinaaaniban ni Raquel Dayno na kamakailan lamang nadakip dahil sa kasong kidnapping.
Si Dayno, 20, ng #105 Sta. Maria, Mexico, Pampanga, ay naaresto ng SOG team na binubuo nina Chief Insp. Albert Juan, Insp. Loreto Alberto, SPO2 Eduardo Ortinez at PO2 Joel Aquino.
Ayon kay C/Insp. Juan, ang modus operandi ni Dayno ay makipagkaibigan at kunin ang tiwala ng mga biktimang kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at damit, dadalhin nito sa Pampanga ang kanyang biktima at ibibenta sa mga sindikato na nagsasagawa ng panlilimos.
Ang huling naging biktima ni Dayno ay si Emy Remtillo, 8, isang estudyante at nakatira sa #565 Muelle dela Industria St., Binondo, Manila, na balak na sanang ibenta nito ngunit nakatakas lamang ang biktima.
Nadakip lamang si Dayno nang bumalik ito sa Binondo para umano maghanap ng kanyang magiging biktima ngunit nakita ito at nakilala ng isa sa mga saksi nang dukutin nito si Remtillo kung kayat nadakip ito.
Samantala, sinabi ni Lacuna ang mga mastermind na sina Sales ay pawang taga-Mexico, Pampanga at pawang mga baguhan pa sa kanilang sindikato, ayon sa impormasyong naibigay sa bise alkalde.
Idinagdag pa ni Lacuna na kadalasan, P3,000 ang komisyong natatanggap ng mga miyembro nina Sales kapag nakapagdala ang mga ito ng bata sa kanila at maibebenta sa sindikato ng manglilimos ng P10,000 bawat isa.
Kadalasan, ang mga biktima ng nasabing grupo ay dinadala sa Northern Tagalog. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended