Bodyguard ni Mayor Eusebio kinasuhan
January 13, 2003 | 12:00am
Kinasuhan ng attempted homicide ang isang pulis na umanoy bodyguard ni Pasig City Mayor Soledad Eusebio matapos nitong tutukan ng baril ang isang driver kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ayon kay Aurelio Garcia, 40, ng Pinagpala, Acacia St. Brgy. Pinagbuhatan Pasig, tinangka umano siyang barilin at patayin ni Gerry Torres na umanoy isang pulis at nakatalaga sa Mayors Office.
Si Torres ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon, papasok dakong alas 10:30 ng umaga sa isang barbershop si Garcia nang harangin at hamunin ng barilan ni Torres.
Hindi umano niya pinansin ito subalit muli siyang hinarang at saka tinutukan ng kalibre 45 baril. Naawat lamang sila ng ilang by stander.
Nabatid kay Garcia na nag-ugat ang kanilang away sa isang laro sa basketball dahil natalo umano ng una ang team ni Torres.
Sina Garcia at Torres ay kapwa coach sa magkaibang koponan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended