UP professor patay sa engineer
January 13, 2003 | 12:00am
Isang professor ng University of the Philippines (UP) ang namatay makaraang ito ay masagasaan ng isang engineer habang papatawid sa C-5 Road , Taguig, Metro Manila.
Dead on the spot ang biktima na si Rafael Renato Sarad, 26, binata at nagtuturo ng Forestry subject at naninirahan sa UP Los Banos, Laguna.
Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Eng. Archie Lunzaga, 30, ng Diego Silang Village, Barangay Ususan, Taguig.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Dimaguila ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong ala 1 kamakalawa ng madaling araw sa C-5 Road Brgy. Western Bicutan, ng nabanggit na munisipalidad.
Tumatawid ang biktima na may dalang mga libro nang hindi nito napansin ang paparating na Mitsubishi Lancer na may plakang TCN-864 na minamaneho ni Lunzaga.
Hindi naman agad nakontrol ni Lunzaga ang kanyang preno kayat nasagasaan nito si Sarad na naging sanhi ng kamatayan nito.
Si Lunzaga ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended