Doktor na ayaw magpabale pinatay
January 12, 2003 | 12:00am
Kamatayan ang naging kapalit matapos na tumanggi ang isang 85 anyos na beteranong doktor na pabalehin ng pera ang trabahador sa bahay nito nang pagbabarilin at pagnakawan sa loob ng kanyang tahanan sa Marikina City kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilala ni Marikina City Chief of Police P/Sr. Supt. Leonardo Espina na si Dr. Francisco "Benny Cheng, residente ng Aurora St., Brgy. Parang ng lungsod na ito.
Si Francisco ay nagtamo ng tama ng bala mula sa .38 revolver sa ulo at dibdib na siya nitong agarang ikinasawi.
Agad namang nadakip sa isang follow-up operations ang suspek na nakilalang si Virgilio Casilao, 25 anyos, trabahador sa bahay ng biktima at residente naman ng Cogeo Village, Antipolo City.
Kasalukuyan namang inaalam kung may kasabwat o mga kasamahan ang suspek sa panloloob sa tahanan ng matandang doktor.
Base sa report ang suspek ang huling nakitang lumabas sa tahanan ng biktima ilang minuto bago nadiskubre ang krimen.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang krimen ay naganap dakong alas-7:45 ng umaga sa tahanan ng biktima.
Tumatag ang teorya ng mga imbestigador na bumabale ang suspek sa biktima matapos marekober sa tabi ng duguan nitong bangkay ang ilang dadaaning pisong papel.
Posible umanong nairita ang suspek kaya nagawa ang naturang krimen.
Napag-alaman pa mula sa testimonya ng mga kasambahay ng biktima na ayaw na umanong pabalehin ang suspek dahil baon na ito sa utang. Nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang baril na ginamit nito sa pagpaslang sa biktima.
Kasalukuyang nasa detention cell ng Marikina City Police ang suspek habang inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended