^

Metro

Mga residente ng 'home along d riles' magmamatigas

-
Hindi kami aalis!!!

Ito ang sinabi ng mga residente ng Caloocan City na naninirahan sa tabing riles ng tren na nakatakdang paalisin sa pagsisimula ng proyektong Manila-Clark Rapid Railways.

Nangangamba ang mga residente na mangyari rin sa kanila ang sinapit ng ibang pamilya na inilipat sa relocation sites kung saan pinabayaan lang umano ng gobyerno dahil walang sapat na makukuhang pangkabuhayan kung kaya’t nagbabalik sa Kamaynilaan.

Iginiit ng mga residente na aalisin sa kanila ang kabuhayan na matagal na nilang nakasanayan dahil ang paglilipatan sa kanila ay malayo sa kanilang mga trabaho.

Nauna rito, nagpulong ang lokal na opisyal ng Caloocan at si Urban Development Coordinating Council Sec. Michael Defensor at tinalakay ang madaliang relokasyon ng mga maaapektuhang pamilya kapag sinimulan na ang nasabing proyekto.

Nabatid na bibigyan ng maayos na lugar at pabahay ang mga maaapektuhang pamilya sa Towerville San Jose Del Monte, Bulacan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BULACAN

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

IGINIIT

MANILA-CLARK RAPID RAILWAYS

MICHAEL DEFENSOR

ROSE TAMAYO

TOWERVILLE SAN JOSE DEL MONTE

URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with