^

Metro

QC fire: 1 patay, 500 bahay naabo

-
Isang misis ang iniulat na nasawi, samantala, 500 namang kabahayan ang tinupok nang apoy sa naganap na sunog kahapon sa Cambridge st. at Ermin Garcia st., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quzon City.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Juanita Albay, 60-anyos habang inaalam pa ang mga pangalan ng malubhang nasugatan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni chief Supt. Francisco Senot ng Bureau of Fire Protection, naitala ang sunog bandang alas-4 ng hapon nang biglang sumabog ang kawad ng kuryente sa bahay ni Domingo Dublao sa #138 Cambridge st. ng naturang lugar.

Iniutos naman ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang paggamit sa E. Rodriguez Elementary School bilang evacuation center.

Samantalang nasawi din ang isang taong gulang na sanggol sa naganap na sunog sa isang relocation site sa Marikina kamakalawa ng gabi at naapektuhan ang may 26 pang pamilya.

Kinilala ni Fire Officer 2 Joven Guasque ang nasawing biktima na si Ariou Handig ng Block 58 Palay St., Tumana Barangay Concepcion Uno ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa salaysay ng ina ng bata na si Arlene, dakong alas-6:19 ng gabi nang bigla na lamang siyang humangos palabas ng bahay ng makita niyang nababalutan na ng makapal na apoy ang kanilang tahanan. Bitbit umano niya ang dalawa pa niyang anak na may edad na 5 at 2 taong gulang.

Dahil sa katarantahan, naiwan ng ginang ang kanyang bunsong anak.

Sa inisyal na ulat, isang lampara na maaaring nasipa ng mga naglalarong bata ang siyang pinagmulan ng sunog.

Dakong alas-7:03 ng gabi nang maapula ang sunog. (Ulat nina Doris Franche/Joy Cantos)

vuukle comment

ARIOU HANDIG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DOMINGO DUBLAO

DORIS FRANCHE

ERMIN GARCIA

FIRE OFFICER

FRANCISCO SENOT

JOVEN GUASQUE

JOY CANTOS

JUANITA ALBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with