^

Metro

Massacre cop, kinasuhan ng rape

-
Hindi pa man nalulusutan ng isang dating pulis Pasay ang kaso nitong pagpatay sa tatlong katao, nahaharap na naman ito sa panibagong asunto makaraang ireklamo ito ng panggagahasa ng katulong ng kanyang live-in partner sa Pasay City kamakailan.

Bukod sa kasong pagpatay, si PO3 Joey Salazar ay nahaharap sa kasong 3 counts of rape, acts of lasciviousness at unjust vexation.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Candy, katulong ng live-in partner ng suspect na hindi na binanggit ang pangalan.

Ayon sa reklamo ng biktima sa Pasay City Police, naganap ang insidente noong Nob. 21, 26, Dis. 4, 15, 16 at 20, 2002 sa bahay ng live-in partner ng suspect, hindi binanggit kung saang lugar sa Pasay.

Nabatid sa biktima, na natakot siya kaya hindi kaagad siya nagsumbong sa pulisya, dahil pinagbantaan umano ng suspek ang kanyang buhay.

Ayon pa sa biktima, ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong makapagsuplong sa pulisya dahil nakakulong na ang suspect na si Salazar.

Matatandaan na noong Dis. 30, 2002 ng madaling araw sa Protacio st. ng nabanggit na lungsod, napatay ng naturang suspect ang tatlong kalalakihan at sugatan ang dalawa pang katao kabilang ang isang pulis ng Western Police District (WPD).

Nabatid na tuluyan ng masisibak ang naturang dating pulis Pasay dahil sa patung-patong na kasong kinakaharap nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BUKOD

JOEY SALAZAR

LORDETH BONILLA

MATATANDAAN

NABATID

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with