Fotog pinatay ng welder dahil sa maruming banyo
January 8, 2003 | 12:00am
Dahil sa pagiging marumi sa banyo, isang photographer ang sinaksak at napatay ng kanyang kapitbahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa Fairview General Hospital ang biktima na nakilalang si Ronnie Villas, 39, ng 792 Presidente Laurel St., Commonwealth Heights, Barangay Commonwealth, Quezon City.
Samantala, nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang nadakip na suspect na si Domingo Carbonel, 45, welder, kapitbahay ng biktima.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-10:10 ng gabi nang sugurin ng biktima na noon ay armado ng balisong ang suspect sa bahay nito.
Hindi umano nagustuhan ng biktima ang parinig at pagsasalita ng suspect sa kanya na "salaula sa kubeta".
Nabatid na matagal na umanong pinag-aawayan ng dalawa ang comfort room na kapwa nila ginagamit, subalit sa mga una nilang pag-aaway ay naaawat sila ng kanilang mga kapitbahay.
Agad na nakita ng suspect na sumusugod ang biktima kaya mabilis na itong kumuha ng kutsilyo at saka inunahang saksakin hanggang sa mapatay si Villas. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am