Nakilala ang biktimang pinutulan ng daliri na si Erlito Cantuba, isang banana store owner at residente ng Padas Alley St., Phase 3, E-1 ng nabanggit na lungsod.
Nabatid sa panayam kay Supt. Honorato Donato, ng NPD Intelligence and Investigation Division chief naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw habang ang biktima ay naglalakad sa Larangay St., Dagat-Dagatan, Caloocan City pauwi na sa kanyang tahanan.
Kasama umano ni Cantuba ang isang kaibigang babae nang biglang lumitaw ang tatlong suspect at tutukan sila ng patalim.
Habang kinukulimbat ng dalawa sa mga suspect ang pera at ibang alahas ng mga biktima ay namataan ng isa sa mga suspect ang suot na gold wedding ring ni Cantuba.
Subalit nahirapan silang alisin ito kung kaya nagawang putulin ng mga suspect ang dalawang daliri ng biktima makuha lamang ang pinag-iinterisang singsing.
Matapos maputol ang daliri halos humandusay sa sakit ang biktima na sinamantala naman ng mga suspect sa kanilang pagtakas.
Agad na isinugod ng mga residente sa pagamutan si Cantuba.
Sa kasalukuyan, isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)