^

Metro

Daliri ng trader pinutol ng holdaper

-
Nakuhang putulin ng tatlong miyembro ng holdup gang ang dalawang daliri ng isang negosyante makuha lamang ang suot nitong gold wedding ring, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang biktimang pinutulan ng daliri na si Erlito Cantuba, isang banana store owner at residente ng Padas Alley St., Phase 3, E-1 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa panayam kay Supt. Honorato Donato, ng NPD Intelligence and Investigation Division chief naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw habang ang biktima ay naglalakad sa Larangay St., Dagat-Dagatan, Caloocan City pauwi na sa kanyang tahanan.

Kasama umano ni Cantuba ang isang kaibigang babae nang biglang lumitaw ang tatlong suspect at tutukan sila ng patalim.

Habang kinukulimbat ng dalawa sa mga suspect ang pera at ibang alahas ng mga biktima ay namataan ng isa sa mga suspect ang suot na gold wedding ring ni Cantuba.

Subalit nahirapan silang alisin ito kung kaya nagawang putulin ng mga suspect ang dalawang daliri ng biktima makuha lamang ang pinag-iinterisang singsing.

Matapos maputol ang daliri halos humandusay sa sakit ang biktima na sinamantala naman ng mga suspect sa kanilang pagtakas.

Agad na isinugod ng mga residente sa pagamutan si Cantuba.

Sa kasalukuyan, isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CANTUBA

DAGAT-DAGATAN

ERLITO CANTUBA

HONORATO DONATO

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

LARANGAY ST.

PADAS ALLEY ST.

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with