Utak sa pagkidnap sa anak ng trader bumagsak
January 7, 2003 | 12:00am
Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Police Anti Crime Emergency Response (PACER) ang itinuturong utak sa pagkidnap sa negosyanteng Filipino-Chinese na anak ng may-ari ng CDO products sa Valenzuela City.
Hawak na ngayon ng pulisya ang suspect na si Norman Tulabot. Sangkot din umano sa naganap na kidnapping ang pamangkin nito na si Alex Advento, isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane, positibong itinuro si Tulabot na siyang utak sa pagdukot kay Charmaine Ong, anak ng may-ari ng CDO Meat Processing Plant sa Valenzuela City.
Nabatid na dinukot ng mga armadong kalalakihan si Ong na isang dermatologist sa harap ng naturang pabrika noong nakalipas na Hunyo 13 ng nagdaang taon. Dinala ng mga suspect si Ong sa isang safehouse sa may 29 California St., Villasol Subdivision, Angeles City, Pampanga.
Nagawa namang makatakas ni Ong sa kamay ng mga kidnappers ng tulungan siya ng isa sa mga bantay nitong suspect.
Base sa ulat, si Tulabot ay nadakip ng pulisya makaraang mamataan ang minamaneho nitong sasakyan na nakaalarma dahil sa ito ang sasakyang ginamit sa pagdukot kay Ong.
Nakuha naman sa sasakyan ang NBI ID ni Advento. Nabatid na dating nakatalaga sa NBI-NCR si Advento na isang certified public accountant (CPA) ngunit inilipat sa Nueva Ecija makaraang masangkot sa ilang anomalya.
Ayon kay Ebdane, ang grupo ni Tulabot ay kabilang sa mga kidnap-for-ransom gang na nasa kanilang target list.
Sumasailalim na ang suspect sa masusing interogasyon, samantalang nakipag-ugnayan na rin ang PNP sa NBI upang matukoy kung nasaan ang pamangkin nitong si Advento para magbigay linaw sa kaso. (Ulat nina Danilo Garcia at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended