9-anyos hinalay muna bago pinatay

Isang 9-anyos batang babae na hinihinalang hinalay muna bago tuluyang pinatay ang natagpuang lumulutang sa may La Mesa Dam kahapon ng umaga sa Quezon City.

Positibong kinilala ng kanyang ama na si Virgilio Fernando ang biktima na si Virginia, ng KKMK Upper Housing MWSS Compound, Balara, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng CPD- Criminal Investigation Unit, natagpuan ng security guard na si Fernando Mercado ang biktima na lumulutang sa nasabing dam dakong alas-10:45 ng umaga.

Nakababa ang panty nito at nakataas ang t-shirt na palatandaan na posibleng hinalay ang bata bago pinatay.

Nabatid na basag din ang likurang bahagi ng ulo ng biktima nang matagpuan ng mga awtoridad na pinaniniwalaang bunga ito nang pagpalo ng isang matigas na bagay.

Nabatid pa na ang biktima ay iniulat na nawawala simula pa noong Disyembre 15, 2002.

Sa kasalukuyan, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya para matukoy kung sino ang posibleng may kagagawan sa krimen. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments