^

Metro

3 pulis na natimbog sa hulidap, kinasuhan na

-
Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong kidnapping at robbery extortion sa piskalya ang tatlong kagawad ng PNP na sangkot sa pang-huhulidap sa isang negosyante sa Quiapo, Manila, noong nakalipas na Martes.

Sina PO3 Robinson delos Reyes, ng PNP Custodial Investigation, PO2 Lutgardo Ramirez, ng CIDG at PO2 Leonardo Lopez, ng WPD-Station 8 ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa WPD Integrated Jail.

Pinaghahanap pa rin ang confidential agent ng CIDG na nakilalang si Teofimo Castro matapos nitong matakasan ang mga kagawad ng WPD-Station 8 nang magpaalam itong iihi lamang subalit hindi na bumalik pa.

Magugunitang ang mga suspect ay sangkot sa pagdukot sa biktimang si Quimal Pukunum sa Quiapo, Manila noong nakalipas na Disyembre 31, 2002 dakong alas-6:15 ng umaga habang namimili ang huli sa naturang lugar.

Pinaratangan ng mga suspect ang biktima na isang drug pusher kaya inaresto nila ito.

Mabilis na isinakay ng mga pulis sa kotse ang biktima at doon piniringan ito sa mata at saka kinulimbat ang P800,000 cash, alahas at cellphone nito.

Dinala pa ng mga suspect sa Makati City ang biktima, subalit pagdating sa JP Rizal St. ay na-check point ang kanilang sasakyan dahilan upang magkaroon ng pagkakataon si Pukunum na makahingi ng tulong sa mga awtoridad kaya naaresto ang mga suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

CUSTODIAL INVESTIGATION

GEMMA AMARGO

INTEGRATED JAIL

LEONARDO LOPEZ

LUTGARDO RAMIREZ

MAKATI CITY

QUIMAL PUKUNUM

RIZAL ST.

TEOFIMO CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with