79-anyos na Tsinay tumalon mula sa 29th floor, patay
January 3, 2003 | 12:00am
Dahil sa hindi makayanang sakit na nararamdaman, isang 79-anyos na Fil-Chinese ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-29 na palapag ng gusaling kanyang tinitirhan sa Makati City, kahapon.
Nakilala ang nasawi na si Sioc Hee Lim Ong, ng 29-D Fravella Condominium na matatagpuan sa Rada St., Legazpi Village ng lungsod na ito.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jason David, bago maganap ang insidente, nabatid sa mga kamag-anak ng biktima na lagi nitong idinadaing ang kanyang sakit.
Sinabi ng anak nito na si Basil Ong na pansamantala lamang niyang iniwan ang kanyang ina kahapon ng umaga dahil sa may aasikasuhin siyang mahalagang bagay sa negosyo.
Inihayag pa nito na dumanas ang kanyang ina ng mild stroke at kababalik pa lamang nito sa condominium kahapon buhat sa Chinese General Hospital.
Ayon pa kay Ong na nasabi umano ng kanyang ina na nahihiya siya sa kanya dahil sa ginagawa nitong pag-aasikaso sa matanda at dahil na rin sa sakit nitong tinataglay.
Dakong alas-11:15 ng tanghali nang tumalon mula sa ika-29 na palapag ng condominium ang matanda at bumagsak sa may terrace sa ikaapat na palapag ng gusali.
Bali-bali ang buto at basag ang bungo na bumagsak ang matanda.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matiyak na walang naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest