Koreano tugis sa kasong rape
January 2, 2003 | 12:00am
Pinaghahanap na ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na Koreano na pinaniniwalaang may kasong aggravated rape laban sa 22-anyos na Pinay noong Disyembre 2002.
Iniutos ni BI chief Andrea Domingo kay Ferdinand Sampol, Immigration head supervisor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagpapalabas ng hold-departure order (HDO) laban sa suspek na si Beong Koo Lee a.k.a. Bruce Lee.
Batay sa impormasyong nakalap mula sa Korean Embassy ng Maynila, si Beong Koo ay lider ng Korean mafia na may ilegal na operasyon sa bansa at ang mga miyembro nito ay binibigyan ng proteksyon ng ilang tiwaling opisyales ng gobyerno.
Si Lee ang pangunahing suspek sa kasong rape na isinampa ng biktimang itinago sa pangalang Irene na naganap nitong nakaraang Disyembre 8 sa Millionaires Hotel, Pasay City, makaraang lasingin sa alak ang biktima habang nag-iinuman sa Julianas Karaoke bar na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.
Ibinunyag din ng Korean authorities sa Seoul na si Lee ay "wanted person" sa South Korea sa krimeng "aggravated rape".
Kaugnay nito, ipinahayag ni Domingo sa pulong na dinaluhan ng mga top Immigration officers sa lahat ng airports at subports ng bansa ang paninindigan na magkaroon ng magandang pagbabago sa buong kagawaran para maging huwaran ng integridad, transparency at efficiency bilang bahagi ng vision for 2003. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended