Dead-on-the-spot ang biktimang si Elena Cerdana, 54, habang ang apo naman nitong si Athea ay dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Western Police District-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa Philippine National Railways-Pandacan Station.
Sinasabing naglalakad sa gilid ng riles ng tren ang mag-lola ng madulas ang mga ito na sakto namang papadaan ang nasabing tren.
Bunga nitoy, tuluyang nakaladkad ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Gayunman, nakatakdang ipatawag ng pulisya ang operator ng nasabing tren na si Bayani Maninding. (Ulat ni Grace dela Cruz)