Konsehal nag-amok: Tiyuhin patay, 1 grabe
December 31, 2002 | 12:00am
Posibleng pagkalulong sa droga kaya nag-amok at namaril ang isang konsehal ng Ilocos Norte at napatay ang kaniyang tiyuhin na driver/bodyguard na ikinasugat din ng isa pang kasambahay sa Quezon City kahapon ng umaga.
Makaraan ang ilang oras na negosasyon ay napasuko rin ng kanyang kakambal na si Emmanuel at Quezon City Fiscal Pilar ang suspek na si Konsehal Clarence Jojo Pilar ng Bacara, Ilocos Norte.
Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Danilo Amboy, stay-in sa No. 12 Montenegro St. Brgy. San Antonio sa nasabing lugar sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa likod.
Si Amboy ay tiyuhin ng asawa ng suspek at naninilbihan sa konsehal bilang personal na driver at bodyguard nito.
Kasalukuyan naman nasa kritikal na kondisyon sa Quezon City General Hospital ang sugatang biktima na si Romeo Rasay Dumingcil makaraang magtamo ng isang tama ng bala sa katawan.
Ayon sa ulat ni PO1 Edwin dela Cruz ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong alas-9:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa tinutuluyang bahay ng suspek sa #12 Montenegro St., Brgy. San Antonio Quezon City.
Ayon sa mga residente na napansin nila na may nagaganap na kaguluhan sa nasabing bahay matapos ay nakarinig na lamang sila ng malakas na putok ng baril mula sa loob ng bahay at nang alamin nila ay nakabulagta at duguan na ang mga biktima.
Napag-alaman na may apat na araw nang hindi natutulog ang suspek na umanoy mga palatandaan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o shabu ang suspek.
Samantala, ilang anggulo ang tinitingnan ngayon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente kabilang dito ay ang ilegal na droga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended