^

Metro

3 kapitbahay niratrat ng pulis, dedo

-
Tatlo katao ang namatay habang dalawa pa kabilang na ang isang pulis Maynila ang kritikal makaraang i-massacre ng isang pulis at pinsan nito ang kanilang kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktima na sina Anthony Petilla, 25, may-asawa, Catalino Bautista Jr., at Joselito Manlangit, 22, binata pawang mga residente ng Protacio at Tramo Sts., Pasay City. Nasa kritikal na kundisyon at pilit na isinasalba sa San Juan De Diyos Hospital ang dalawa pang biktima na nakilalang sina Antonieta Petilla, 54, ina ni Anthony at PO2 Bernard Cubero, 31, binata, nakatalaga sa Western Police District Traffic Enforcement Unit.

Isang massive manhunt naman ang isinagawa ng Pasay Police sa mga suspek na agad tumakas matapos ang krimen na sina PO3 Jose ‘‘Joey’’ Salazar, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), Regional Intelligence Special Operation (RISO) at ang pinsan nitong si Borbi Salazar kapwa residente rin ng nabanggit na lugar

Ayon sa Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:15 kahapon ng madaling-araw sa harapan ng bahay ng pamilya Petilla sa panulukan ng Protacio at Tramo Sts.

Nabatid na bago maganap ang trahedya, inireklamo ni Anthony ang kaniyang kapitbahay na si Borbi dahil sa pananakot nito sa kaniyang mga bisita.

Napag-alaman pa na habang masayang nag-iinuman sa loob ng bahay ang mga biktima ay isang naghahamong sigaw ang narinig ng mga ito. Dahil dito unang lumabas ng bahay si Arnel at nakita niya ang magpinsang Salazar na mga lasing at kapwa armado ng mga baril.

Pagkakita ng mga suspek sa mga biktima ay agad itong pinaputukan dahilan upang maglabasan ang ina ni Anthony at ang bisita nito na isang pulis Maynila.

Dahil sa trahedyang ito, tatlo katao ang namatay at dalawa ang malubha. Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis laban kay PO3 Salazar at sa pinsan nitong si Borbi. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTHONY PETILLA

ANTONIETA PETILLA

BERNARD CUBERO

BORBI

BORBI SALAZAR

CATALINO BAUTISTA JR.

PASAY CITY

SALAZAR

TRAMO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with