^

Metro

2 estudyante ginulpi, binaril ng pulis, 1 patay

-
Isang estudyante ang napatay habang isa naman ang nasa kritikal na kundisyon makaraang upakan at barilin ng pulis kasama ang tatlo pang suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Paul Julius Roque,16 ng 153 Stotsenberg St.,habang agaw buhay naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kasamahan nitong si Benidicto Janiola, 17 ng nasabi ring lugar.

Kasalukuyan namang nasa police custody ang mga suspek na sina P01 Edgardo Matabang, 26 binata at detailed sa Navotas PNP, Michael Chua, 18; Albert Fajardo,19 pawang mga residente ng Baltazar Bukid St., Caloocan City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang ikaapat na suspek na nakilalang si Danilo Caliluno na siya umanong bumaril kay Roque.

Nabatid na dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa mismong kalyeng tinitirhan ng mga biktima.

Naargabyado ang biktimang si Roque nang makipagsuntukan ito kay Fajardo kaya nagtawag ito ng mga kasamahan.

Sa pagresbak ng mga biktima ay naabutan nila ang grupo ng mga suspek sa pangunguna ni Matabang na armado ng baril at higit na nakararami kung kaya’t sa halip na makaganti ay kinuyog pa sila ng mga ito at pinag-uupakan.

Hindi pa nakuntento ang isa sa mga suspek kaya ilang ulit na pinaputukan ang mga biktima kung saan agad na bumagsak ng walang buhay si Roque habang maswerteng nadala sa JRMMC si Janiola.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALBERT FAJARDO

BALTAZAR BUKID ST.

BENIDICTO JANIOLA

CALOOCAN CITY

DANILO CALILUNO

EDGARDO MATABANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KASALUKUYAN

MICHAEL CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with