^

Metro

2 pulis na sangkot sa pamamaril, sinibak

-
Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane ang dalawang tauhan ng Special Action Force (SAF) na walang pakundangang nagpaputok ng baril na ikinasugat ng apat na katao, kabilang ang tatlong paslit noong Miyerkules ng gabi sa Makati City.

Bukod sa dismissal, ipinag-utos din ni Ebdane ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban kina PO1 Raymond Maghinay at PO1 Richard Bohol.

Naiulat na walang habas na nagpaputok ng baril ang dalawang pulis sa grupo ng mga biktimang sina Calvin Teves, Bryan Rontal, Nemo Flores at Isaish del Mundo na noon ay nagpapaputok ng rebentador.

Nabatid na naka-duty ang dalawang pulis nang mag-inuman ang mga ito at nabulahaw umano sa ginawang pagpapaputok ng mga paslit.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Ebdane sa 30 milyong texters na iulat sa PNP Txt2920 ang mga pulis na makikita nilang nag-iinuman o lasing habang naka-duty upang agad nilang maaksiyunan maging ang mga makikitang magpapaputok ng baril ngayong darating na Bagong Taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAGONG TAON

BRYAN RONTAL

CALVIN TEVES

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

EBDANE

MAKATI CITY

NEMO FLORES

RAYMOND MAGHINAY

RICHARD BOHOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with