Bomb scare sa Edsa-Crossing
December 27, 2002 | 12:00am
Nagkagulo kahapon ng umaga makaraang magtalunan ang mga pasahero, driver at konduktor ng isang pampasaherong bus nang matagpuan ang isang bag na hinihinalang may lamang bomba na iniwan sa ilalim ng upuan ng sasakyan sa tapat ng EDSA-Crossing, Mandaluyong City.
Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong alas-9:50 ng umaga nang matagpuan ng isang pasahero ang isang kulay asul na bag sa ilalim ng ikatlong hanay ng mga upuan sa kanang bahagi ng south-bound ng Golden Hi-way bus na may plakang TVN-576.
Nabatid na ang nasabing bus ay pansamantalang nakahinto sa tapat ng Star Mall sa may Crossing ng lungsod na ito nang balutin ng matinding sindak ang mga lulan ng behikulo sa pag-aakalang bomba ang laman ng abandonadong bag.
Ayon sa pahayag ni Richard Mendoza, 32, ng #41 Ilang-Ilang St., Pangarap Village, Caloocan City, driver ng bus, sinabi nito na binuksan umano ng hindi pa nakilalang lalaking pasahero ang naturang bag.
Ditoy agad nitong nabungaran ang isang itim na bakal na may mga kawad ng kuryente at dahil ditoy bigla itong sumigaw ng "May bomba, may bomba."
Lumikha ng matinding komosyon ang insidente matapos na magbalyahan at magtulakan ang mga pasahero sa pag-uunahang makalabas ng bus.
Sa takot ng mga nakasakay, pati tsuper at konduktor ng bus ay nagsitalon palabas ng pintuan at maging sa bintana sa pag-aakalang anumang oras ay sasabog ang bomba.
Nang rumesponde ang Explosives and Ordinance Division ng Eastern Police District (EOD-EPD) at sinuri ang laman ng bag ay nakitang isa lamang pala itong motor ng sewing machine na may mga nakausling wire na inakalang bomba ng mga pasahero. Nakita rin sa loob ng nasabing bag ang ilang piraso ng mga damit at isang planner book. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended