Ito ang ibinunyag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando kasabay nang pagsasabing ang additional fees na ito ang ikinakarga ng mga water companies sa bill ng tubig.
Dahil dito, ipinaliwanag ni Fernando, maaari umanong magamit ang mga poso negro na pagtapunan ng mga nabubulok na basura dahil libre umano ang serbisyo ng mga water companies upang sipsipin ang mga puno ng waste facility.
Nabatid na naunang inihayag ni Fernando na maaaring i-flush sa inidoro ang mga nabubulok na basura sa bahay.
Binanggit pa nito na tungkulin ng mga water companies at nakasaad sa kontrata ng mga ito ang pangangalaga sa sewerage system ng mga kabahayan.
Kasama umano sa mga kontrata ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company ang pagtatayo ng sewerage system sa Metropolis na siyang sisipsip sa lahat ng septic tanks upang masiguro ang kalinisan ng water system. (Ulat ni Lordeth Bonilla)