^

Metro

Bayad para sa sewerage system ikinarga sa bill sa tubig

-
Kung ang Meralco ay may PPA (Purchased Power Adjustment) na siyang nagpapalaki sa bill ng mga kostumer, bayad sa sewerage system naman ang ikinakarga sa mga bill sa tubig.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando kasabay nang pagsasabing ang additional fees na ito ang ikinakarga ng mga water companies sa bill ng tubig.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Fernando, maaari umanong magamit ang mga poso negro na pagtapunan ng mga nabubulok na basura dahil libre umano ang serbisyo ng mga water companies upang sipsipin ang mga puno ng waste facility.

Nabatid na naunang inihayag ni Fernando na maaaring i-flush sa inidoro ang mga nabubulok na basura sa bahay.

Binanggit pa nito na tungkulin ng mga water companies at nakasaad sa kontrata ng mga ito ang pangangalaga sa sewerage system ng mga kabahayan.

Kasama umano sa mga kontrata ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company ang pagtatayo ng sewerage system sa Metropolis na siyang sisipsip sa lahat ng septic tanks upang masiguro ang kalinisan ng water system. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BINANGGIT

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DAHIL

FERNANDO

LORDETH BONILLA

MANILA WATER COMPANY

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PURCHASED POWER ADJUSTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with