^

Metro

Bank cashier nagbaril sa mukha

-
Dahil umano sa matinding suliranin sa pinapasukang trabaho, isang 30-anyos na kahera sa bangko ang iniulat na nagbaril sa sarili, kamakailan sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Rosalyn dela Cruz ng Pamplona 3, ng nabanggit na lungsod. Siya ay isinugod sa Perpetual Medical Center subalit hindi na umabot pang buhay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagbaril sa mukha si Dela Cruz sa loob ng kanyang kuwarto.

Base sa ulat ng pulisya, posible umanong masyado nang napagod sa kaiisip si Dela Cruz matapos na ang malaking bahagi ng P4 million money transfer ay nawala sa bank’s cash vault.

Lumalabas pa na may ilang bank procedures ang hindi natugunan ni Dela Cruz, dahilan upang siya ay i-reprimand ng pamunuan ng bangkong kanyang pinagtatrabahuhan.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa lahat ng anggulo ng kaso.

Samantala, sa isa pang insidente ng suicide, hiniling naman ng pamilya ng UCPB branch manager sa pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon dahil sa paniwalang mayroong naganap na foul play sa pagpapatiwakal ng kanilang kamag-anak na si Editha Co-Fabico, noong nakalipas na Lunes sa Tondo, Manila.

Ayon kay Mr. Mariano Rellora Jr., hindi siya naniniwala na nagpakamatay ang kanyang kapatid na si Editha, branch manager ng UCPB sa El Cano St.-Divisoria dahil sa 2 tama ng bala ang tinamo nito sa kanyang dibdib nang matagpuang patay noong Lunes sa kanyang tahanan.

Bukod dito, nawawala rin sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit umanong baril sa pagpapatiwakal ng kanyang kapatid. Anya, nakakapagtaka ang pangyayari dahil wala namang magpapatiwakal na 2 beses magbabaril sa sarili at sa dibdib pa. (Ulat nina Nikko Dizon at Rudy Andal)

ANYA

AYON

DELA CRUZ

EDITHA CO-FABICO

EL CANO ST.-DIVISORIA

LAS PI

MR. MARIANO RELLORA JR.

NIKKO DIZON

PERPETUAL MEDICAL CENTER

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with