^

Metro

Nangulit ng tagay, pinatay

-
Isang tagay na alak at pagbati ng Merry Christmas ang naging kapalit ng buhay ng isang lalaki matapos itong paslangin sa saksak ng kanyang kapitbahay sa Mandaluyong City sa mismong hatinggabi ng bisperas ng Kapaskuhan.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Erespe alyas Ben at residente ng Sto. Rosario St., Plainview, ng nabanggit na lungsod.

Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen.

Nakilala naman ang suspect na si Noel Versoza, ng #137 San Miguel St., Plainview, Mandaluyong City.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Bayani Prianes, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-12 ng hatinggabi di-kalayuan sa bahay ng suspect.

Napag-alaman na kasalukuyang nag-iinuman ang suspect at ilan nitong kaibigan nang mapadaan ang nakainom nang biktima.

Agad umanong binati ng Merry Christmas ng biktima ang suspect at humihingi ito ng isang tagay na alak dito.

Nang tumanggi ang suspect ay pilit na tumagay ang biktima bunsod upang mairita ang una na biglang kinuha ang kutsilyo na panghiwa ng pulutan at pinagsasaksak ito.

Bunga nito, agad na nagkikisay ang biktima at namatay noon din.

Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kaso habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAYANI PRIANES

BENJAMIN ERESPE

BIKTIMA

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MERRY CHRISTMAS

NOEL VERSOZA

PLAINVIEW

ROSARIO ST.

SAN MIGUEL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with