^

Metro

Mga batang-lansangan pinagdadampot, niregaluhan

-
Samutsaring reaksyon ang namutawi sa murang kaisipan ng tinatayang 300 hanggang 400 batang-lansangan matapos na isa-isa ang mga itong damputin ng mga tauhan ng pulisya, kahapon.

Agad namang napalitan ng tuwa ang takot ng mga batang lansangan na nag-eedad mula 5-12 anyos nang mabatid na hindi pala sila ikukulong kundi bibigyan ng laruan, pakakainin at reregaluhan sa Camp Crame.

Sa Pasig at Mandaluyong City ay umaabot sa mahigit 100 ang na-round-up na mga batang-lansangan habang ang iba pa ay nakuha naman sa San Juan at Marikina City.

Nagmistulang comedy rin ang panghuhuli matapos na mag-iyakan ang isang mag-anak na Badjao na mula pa sa Basilan, kasama sa dinakip, sa may bahagi ng Shaw Blvd. sa pag-aakalang ikukulong umano sila.

Sinabi nina Antonio Candido at Melissa Bainola, pawang Badjao na napilitan lamang umano silang lumuwas ng Maynila kasama ang kanilang mga anak upang mamasko dahil sa hirap ng buhay doon bunga na rin ng all-out-war ng pamahalaan laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Bagaman mga batang-lansangan lamang ang na-round-up ay isinama na rin ang mag-asawang Badjao dahil walang titingin sa mga anak ng mga ito na kasama nila sa pamamalimos.

Ilan lamang sa mga bata ang kusang-loob na nagsilapit sa mga pulis nang malamang hindi naman pala sila ikukulong kundi pakakainin, bibihisan at reregaluhan ng mga laruan.

Pinangunahan ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane ang pamimigay ng regalo sa mga pulubi. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ANTONIO CANDIDO

BADJAO

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MARIKINA CITY

MELISSA BAINOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with