Pamilya nangholdap ng taxi driver
December 26, 2002 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang pamilya na nangholdap ng isang taxi driver at tumangay sa taxi nito noong Martes ng gabi sa Quezon City.
Personal na nagtungo sa Central Police District-Criminal Investigation Unit ang biktima na si Danilo Catgang, 39, driver, ng Michael Shane taxi, ng #33 Kamuning St., Pasacula, Novaliches upang i-report ang modus operandi ng mga holdaper.
Ayon sa biktima, alas-8:30 ng gabi nang isakay niya ang isang pamilya kasama ang isang sanggol at nagpapahatid sa Krus-na-Ligas sa QC.
Nang dumating sa Krus-na-Ligas, bigla umanong nagdeklara ng holdap ang pamilya at tinutukan ng kalibre 45 baril ang biktima.
Kinuha ng mga ito ang kanyang kinitang P2,500 at ang taxi na minamaneho.
Sinabi ng biktima na hindi umano niya akalain na holdaper ang naturang pamilya dahil may dalang sanggol ang mga ito.
Posible umanong walang pang-noche buena ang mga suspect kaya nagawa ang panghoholdap. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am