^

Metro

Pampasaherong bus, hinoldap ng 10 armado

-
Hinoldap ng sampung armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga miyembro ng notoryus na robbery/hold-up gang ang isang pampasaherong bus sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Dumulog sa presinto ng Mandaluyong City police kasama ang ilang nabiktimang pasahero upang magreklamo ang konduktor ng RRCG aircon bus na kinilalang si Ferdinand Balonda, 33, at naninirahan sa San Rafael, Bulacan.

Tinataya namang umaabot sa libu-libong halaga ng mga salapi, alahas at cellular phone ang natangay ng mga holdaper mula sa mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Bayani Prianes, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap bandang alas-3 ng madaling araw habang naglalakbay ang nasabing RRCG aircon bus na kinalululanan ng mga biktima sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension ng naturang lungsod.

Sampung suspect na kasasakay lamang umano sa nasabing bus ang agad na nagdeklara ng hold-up ilang minuto matapos ang mga itong sumampa sa bus.

Isa-isang nilimas ng mga suspect ang alahas, pera at cellphone ng mga pasahero gayundin ang kinita ng bus.

Pagsapit sa may Producer’s Market ay agad nagsibaba ang mga suspect at tumahak sa direksyon ng Libertad St.

Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

BAYANI PRIANES

BULACAN

FERDINAND BALONDA

JOY CANTOS

LIBERTAD ST.

MANDALUYONG CITY

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with