^

Metro

Maraming emission repair shops kailangan

-
Maraming emission repair shops ang kakailanganin upang matugunan ang pangangailangang maisaayos ang mga sasakyang hindi papasa sa emission tests simula sa Enero 2 ng darating na taon.

Ang emission test ay pre-registration requirement upang maapula ang polusyong nagmumula sa mga sasakyang pribado at pampubliko.

Sa kasalukuyan, tanging mga sasakyang pribado pa lamang ang dumadaan sa ganitong klase ng pagsusuri dahil sa pagkaantala ng pagpapatupad nito para sa mga pampublikong sasakyan.

Sa darating na Enero 2 pa lamang makakabilang ang mga pampublikong sasakyan sa emission test.

Gayunpaman, 10 hanggang 15 porsiyento ng mga pribadong sasakyan ang bumabagsak sa emission test, ayon sa ilang may-ari ng private emission testing centers, o PETCs.

‘‘Ang bilang na ito ay inaasahan naming tataas pa hanggang 30 porsiyento simula sa Enero 2 kung kailan makakasama na ang mga PUVs (public utility vehicles) sa emission tests,’’ ani Jojo Buerano, isang PETC owner sa Las Piñas City.

‘‘Dahil dito, maraming sasakyan ang mangangailangan ng serbisyo ng mga government-accredited emission repair shops para makapasa sila sa emission test,’’ dagdag ni Buerano.

Gayunpaman, ang mga PETCs ay pinagbawalan ng Kagawaran ng Transportasyon na magtayo ng emission repair shops dahil sa conflict of interest.

Ang regulasyong ito ay nagbukas ng isang magandang pagkakataon para sa ibang mga mangangalakal na may kakayahang magtayo ng emission repair shops.

Kaiba sa mga PETCs, ang emission repair shop ay hindi sakop ng maraming kondisyon, regulasyon at interbensiyon ng pamahalaan at marami itong serbisyo na puwedeng pagkakitaan.

Dahil dito, marami sa mga dating nagbabalak magtayo ng PETC ang ngayo’y nag-iisip na magtatag na lamang ng emission repair shops.

Samantala, ang mga motorista ay pinapayuhan na magpa-emission test habang maaga para maiwasan ang mahabang pila sa darating na taon.

vuukle comment

BUERANO

DAHIL

EMISSION

ENERO

GAYUNPAMAN

JOJO BUERANO

KAGAWARAN

KAIBA

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with