Bagitong pulis lupaypay sa gulpi ng 2 pasahero
December 23, 2002 | 12:00am
Nagmistulang lantang-gulay ang isang bagitong pulis sa kamay ng dalawang lalaking sibilyan matapos siyang pagtulungang gulpihin sa loob ng isang pampasaherong bus dahil lamang sa espasyo ng upuan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nakilala ang biktima na si PO1 Giovanni Timbas, 24, binata, nakatalaga sa Police Community Precint-9 sa Makati police station, at residente ng C. Santos St., Ugong, lungsod na ito.
Naaresto naman ang mga bumugbog sa kanya na nakilalang sina Elson Rosese, 45, may-asawa, ng Bliss, Makati City at si Arnold Austria, 22, ng East Rembo, Makati, kapwa empleyado ng Ajinomoto Philippines.
Sa naturang ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa may F. Legaspi St., Brgy. Ugong. Sumakay umano ang naturang pulis na nakasibilyan ngunit hindi masyadong makaupo dahil sa pagsisiksikan.
Dito sinita ng biktima ang isa sa mga suspek dahil sa hindi maayos na pag-upo umano nito sanhi upang magalit ito. Dito na biglang sinapak ng mga suspek si Timbas kung saan hindi na ito nakaporma nang pagtulungan siya ng dalawa.
Nagawa namang makaalpas ni Timbas sa dalawa kung saan nakahingi ito ng tulong sa mga barangay tanod sa naturang lugar na umaresto sa dalawa.
Kasalukuyang nakaditine sina Rosese at Austria sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong Direct Assault upon an Official. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended