Magkaibigan nagsaksakan dahil sa babae
December 23, 2002 | 12:00am
Selos ang sumira sa pagiging matalik na magkaibigan ng dalawang magkapitbahay makaraang magsaksakan ang mga ito dahil sa babae na nagresulta sa pag-aagaw buhay ng isa sa mga ito sa bayan ng Navotas.
Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jun Vargas, nasa hustong gulang, ng Bagong Highway, North Bay Boulevard North, Navotas dahil sa tinamo nitong mga tama ng saksak sa katawan.
Kusa namang sumuko sa mga awtoridad matapos ang insidente ang suspek na nakilalang si Romeo Saba, 39, may-asawa, tricycle driver at residente ng nasabi ring lugar.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Eric Roxas, ng Station Investigation Bureau (SIB) at may hawak ng kaso, dakong alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng suspek.
Nabatid na lasing na nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek nang mabalitaan umano ng una na ang kanyang kinakasamang si Jocelyn ay madalas na magtungo sa bahay ng huli.
Ngunit mariin namang pinabulaanan ng suspek ang bintang ng biktima kung saan iginiit nito na kaya lamang umano nagpupunta ang live-in partner ng huli sa bahay ng una ay dahil humihingi ito ng payo hinggil sa pagsasama ng mga ito.
Diumano, nakokonsensiya umano ang babae sa kanyang ginawang pagtataksil sa unang asawa kung kayat nais na nitong iwan si Vargas at bumalik sa dating asawa. (Ulat ni Rose L.Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended