2 simbahan sa Caloocan pinasabog
December 23, 2002 | 12:00am
Tatlong mga menor-de-edad ang naaresto ng pulisya sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagpasabog ng pillbox sa magkahiwalay na idinaos na Simbang Gabi, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Kasalukuyang nakakulong at iniimbestigahan ng Caloocan City police ang tatlong naaresto na pawang nasa edad 17, at kapwa mga nakatira sa D.M. Compound, Heroes del 96, Brgy. 73 ng nasabing lungsod.
Naunang inaresto ang dalawa sa mga ito ng mga barangay tanod matapos na ituro ang mga ito na siyang naghagis ng pillbox sa simbahan ng Our Lady of Grace sa 11th Ave. sa Caloocan City dakong alas-4:40 ng madaling araw.
Ganoong oras din nang maaresto naman ng pulisya ang ikatlong suspek na nasa impluwensiya umano ng droga matapos itong makitang naghagis ng pillbox sa simbahan ng San Roque na nasa A. Mabini ng nabanggit ring lungsod.
Kaugnay sa nasabing insidente, sa panayam kay Caloocan Police Station investigation branch chief Insp. Romeo Onte, iniulat na maraming bilang sa mga nagsisimba ang nasugatan matapos na magtukakan at unahang nagsipagtakbuhan ang mga ito palabas ng simbahan nang marinig ang pagsabog.
Sinasabing ang mga naaresto ay pawang mga miyembro ng street gang na kasalukuyan minamanmanan dahilan sa ilang reklamo ng mga nagsisimbang gabi hinggil sa malimit na panggugulo ng mga ito.
Inatasan naman ng mga opisyal ng kapulisan ang mga kagawad nito pati na ang mga barangay tanod na bantayan ang mga nagsisimbang gabi laban sa ilang kabataang nagsasagawa ng kaguluhan at sa iba pang mga kriminal sa maaaring paghasik ng mga ito ng lagim.
Nabatid sa ulat ng pulisya na mula ng mag-umpisa ang Simbang Gabi noong Disyembre 16 ay halos araw-araw ay may iniuulat na pagpapasabog sa ibat ibang simbahan sa kinasasakupan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area kung saan ang malimit na may kagagawan nito ay pawang mga kabataan na mga miyembro ng street gang. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended