Holdaper nakipagbarilan sa pulis, patay
December 22, 2002 | 12:00am
Napatay ng mga awtoridad ang isang holdaper habang nadakip ang isang kasamahan nito sa Pasay City matapos ang isang engkuwentro nang magsagawa ng panghoholdap sa Taguig kamakalawa.
Idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang suspek na si Romeo Sumagka ng Cotabato St., Brgy. Maharlika Village ng bayang ito matapos matadtad ng bala ang buong katawan.
Habang ang kasamahang si Tany Imbuntong, 27-anyos ng Maranaw St., ng nasabing lugar ay naaresto.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon ay hinarang umano ng mga suspek ang mga biktimang sina Telesforo Cabesudo, 40, at Tommy Quinot, 40, habang sakay sila ng motorsiklo (NA 6228) na magdedeliber ng P192,000 sa Taguig.
Walang nagawa ang mga biktima nang maghayag ng holdap ang mga suspek at tinangay ang kanilang dalang pera at mabilis na tumakas.
Nagsagawa ng follow-up operation dakong alas-10:30 ng gabi ang mga awtoridad sa Rotonda, Pasay City at dito ay nakipaglaban ang mga suspek na ikinasawi ni Sumagka. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest