^

Metro

Pinagliguan ni Erap dinagsa ng mga deboto

-
Matapos ang magastos na pagligo sa itinuturing na milagrosang tubig ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Mother Ignacia Healing Center and Retreat House noong Miyerkules, dumagsa rito ang may daan-daang deboto at mamamayan na nagtataglay ng iba’t ibang uri ng karamdaman.

Kaya naman hindi magkandaugaga si Mother Ignacia Ross, ang tagapamahala ng nasabing healing center sa mga tao na nagtutungo sa kanilang lugar.

Dumagsa rin ang mga donasyon buhat sa mga kilala at prominenteng tao kasabay ng pagpapagamot sa pamamagitan ng pagbuhos sa katawan ng sinasabing nagkapagpapagaling na tubig.

Tumindi ang paniniwala ng mga deboto at mga may sakit sa nasabing milagrosang tubig matapos ihayag ni Estrada sa media na gumanda umano ang kanyang pakiramdam.

Sinabi pa ni Estrada na hindi na siya umiinom ng gamot at naging maayos rin ang kanyang pangangatawan lalo na ang kanyang paglalakad dahil sa tila nagamot ng banal na tubig ang kanyang tuhod.

Sa pagtungo ni Estrada sa nasabing healing center ay gumastos ang gobyerno ng P.5M para lamang sa kanyang seguridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

DUMAGSA

KAYA

MATAPOS

MIYERKULES

MOTHER IGNACIA HEALING CENTER AND RETREAT HOUSE

MOTHER IGNACIA ROSS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROSE TAMAYO

SINABI

TUMINDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with