^

Metro

Pari absuwelto sa rape

-
Pinawalang sala kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang isang parish priest na inakusahang nanggahasa sa isang 18-anyos na dalaga sa Quezon City.

Sa 62 pahinang desisyon ni QCRTC Judge Abednego Adre, wala umanong naipakitang sapat na basehan at ebidensiya ang prosecution na nagpapatunay na nagkasala si Father Macario Peig Apuya, SVD, 60 sa panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Susan.

Batay sa rekord ng korte, lumilitaw na naganap ang umano’y unang panghahalay ng pari sa biktima nang ito ay 14-anyos pa lamang noong Agosto 26, 1998 at nasundan noong Oktubre, 1998 sa loob naman mismo ng bahay ng pari sa Dagupan City.

Napag-alaman na ang pari na siyang campus minister ng St. Theresa’s Divine World Academy ang tumayong guardian ng biktima na nagsilbi namang katulong ng pari.

Subalit ibinasura ng korte ang testimonya ng biktima sa pagsasabing inconsistent ang pahayag nito at hindi umano makatotohanan ang alegasyon nito laban sa pari.

Ayon sa korte, nabigo din ang biktima na maalala ang eksaktong petsa ng ikalawang insidente ng panghahalay samantalang natatandaan nito kung kailan isinagawa ng pari ang pangmomolestiya sa kanya.

Sinabi ni Adre na ang consistency ng statement ang unang tinitingnan ng korte upang ma-establish kung totoong may naganap na panghahalay.

Kaugnay nito, bakas naman sa mukha ng pari na napatawad na nito ang dalaga sa kabila ng apat na taon nitong pagkakabilanggo sa QC Jail. (Ulat ni Doris Franche)

ADRE

DAGUPAN CITY

DIVINE WORLD ACADEMY

DORIS FRANCHE

FATHER MACARIO PEIG APUYA

JUDGE ABEDNEGO ADRE

PARI

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ST. THERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with