Trader binoga ng 2 karnaper, kritikal
December 19, 2002 | 12:00am
Kritikal ang isang negosyante matapos itong barilin nang manlaban sa dalawang hinihinalang miyembro ng carnapping syndicate at tangayin ang sasakyan nito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo at leeg ang biktimang si Henry Guillermo Fernando, 31, ng Block 31, Lot 69, Selina Homes, Deparo ng nasabing lungsod.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng Natividad Subdivision, Phase III, Deparo.
Nabatid na papauwi na umano ang biktima nang maisipan nitong bumili ng balot at habang nakahinto at kumakain ay biglang sumulpot ang dalawang hindi nakikilalang suspect na nagtutok ng baril sa una.
Isa sa mga suspect ang agad na pumalo sa ulo ng biktima at kahit may sugat na ay nakuha pa nitong manlaban dahilan upang tuluyan siyang paputukan ng mga suspect.
Matapos ito ay mabilis na dinala ng mga suspect ang kulay pulang Mitsubishi Adventure van ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended