^

Metro

Kinantiyawan ni misis, mister nag-suicide

-
Dahil lamang sa pangangantiyaw ng isang misis, nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti ang kanyang mister kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Reyes, 23, butcher, ng Bonifacio St., Vitas, Tondo.

Nadiskubre ang bangkay nito ni Jaime Lardizabal, isa niyang kasambahay na nakabitin sa loob ng kanilang banyo dakong alas-12:05 ng hatinggabi.

Base sa isinagawang inisyal na pagsisiyasat, nabatid na palaging nag-aaway si Rolando at ang misis nito dahil sa pag-uwi ng lalaki ng madaling araw at madalas ay lasing pa.

Sa tuwing magkakaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mag-asawa ay laging ipinananakot ng nasawi na magpapakamatay na lamang siya upang hindi na marindi sa boses ng asawa.

Dahil naman umano sa palaging ito ang ipinananakot ng lalaki, napundi na rin ang misis ay hinamon ang asawa na totohanin ang banta.

Laking gulat nito kinabukasan na tinotoo ng kanyang mister ang banta. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ASAWA

BONIFACIO ST.

CRUZ

DAHIL

JAIME LARDIZABAL

MISIS

NADISKUBRE

NAKILALA

ROLANDO REYES

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with