Tumagal ng mahigit sa isang oras bago tuluyan napababa ng mga kagawad ng Manila Fire volunteer ang lalaki na hinihinalang nawala sa sarili na si Roberto Jose Marie Julio ng Zamboanga City.
Base sa paunang ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa ikatlong palapag ng gusali ng Supreme Court.
Nabatid na nagawang makapasok ni Julio sa compound ng SC sa pamamagitan nang pagdaan sa fire exit.
Nang makarating sa itaas ay nagbanta itong tatalon kasabay nang pagsasabing dapat umanong baguhin ni Pangulong Arroyo ang tawag na Malacañang dahil sa malas ito.
Nakatawag ng pansin sa maraming tao ang ginawang eksena ni Julio na tumagal ng mahigit sa isang oras.
Ikinatuwiran nito na nag-ugat sa salitang Mala o malas ang Malacañang kaya dapat itong baguhin para tuluyang pumayapa ang bansa.
Pumayapa naman si Julio matapos itong sunggaban ng mga nagrespondeng awtoridad. (Ulat ni Grace Amargo)